LATEST NEWS

Ikaw, Ako, Tayo

Carlee Cherokeeh T. Calingacion | Features Editor

Sa panahon natin ngayon kung kailan walang tigil ang pagdanak ng dugo ng kapwa inosente at mga kriminal, masusumbat pa ba nating nang buong kasiyahan ang salitang kapayapaan?

Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang buwan ng Setyembre ay tinaguriang National Peace Consciousness Month o Proclamation No. 675, s. 2004 na ipinanukala ni dating president Gloria Macapagal-Arroyo noong ika-20 ng Hulyo, 2004. Para sa taong ito, ang tema ay “Puso para sa Kapayapaan, Magkaisa para sa Bayan.”

Binibigyag diin sa temang ito ang ating matinding emosyon para sa ating bansa. Ang paggamit sa salitang puso ay maaaring nangangahulugang pagmamahal. Pagmamahal para sa kapayapaan, pagmamahal para sa bayan. Sa tingin man natin ay kontento na tayo sa kapayapaang tinatamasa natin ngayon, naisin pa nawa natin ito hanggang sa puntong hindi na natin kailan pang matakot sa paglabas ng ating mga bahay sa gabi.

May kapayapaan sa pagkakaisa, hindi lamang sa isipan kung hindi pati sa diwa. Ang mensaheng hatid sa atin ng tema sa taong ito ay nagsasabing kinakailan ng ating sambayanan ng pagkakaisa at pagmamahal para sa bayan upang matamasa ang tunay na kapayapaan sa buong sambayanan. Ano nga ba ang hangarin ng proklamasyong ito at bakit mahalaga ito sa lipunan?

Gaya ng isang bahay kubong itinatayo, ang isang kakulangan sa tamang pundasyon ay mauuwi sa paguho. Kung iniisip nating may isang antas ng lipunan nakahihigit sa isa, tayo ay nagkakamali. Lahat ay may sariling kahalagahan at kung wala ang isa, masisira ang sistema ng
buong lipunan.

Dahil dito, isa sa mga hangarin ng proklamasyong ito ay ang paghikayat ng patuloy na pagmithi sa pagkamit ng kapayapaan sa lahat ng buhay at ng bayan.

Ang paghangad ng kalayaan ay paghangad na matugunan na ang mga problemang pang-sosyal. Ang paghangad ng kalayaan ay paghangad ng paglipad palayo sa kahirapan, pang-aalipin sa ano mang aspeto, at kawalan ng hustisya at katarungan.

Walang kaunlaran para sa bansang walang pagkakaisa kung saan ang mga tao ay nagmamadaling higitan ang isa’t isa. Walang kalayaan sa lipunang ganito, at walang kapayapaan sa pusong napuno na ng ganid.

Walang kalayaan sa mga tahanang takot sa pagsalubong ng bagong umaga dahil sa kakulangan ng kakayahang siguruhin ang hapag kainan at edukasyon ng mga anak. Walang kakalayaan sa hindi maabot na presyo ng bilihin. Walang kalayaan sa pamumuhay sa
kakulangan.

Naway ang National Peace Consciousness Month ay buksan ang ating hangarin na maghangad ng tunay na kapayapaan at katiwasayan. Naway ito ang magpaalala sa ating tayo ay nabubuhay ng magkakasama at lahat ng ating ginagawa, mabuti man o masama, ay nakaaapekto sa buhay ng isa’t isa.

Ito ang ating pagkakataong pagnilaynilayan kung ito nga ba ang mundong ating tinatamasa para sa mga bata. Ito nga ba ang reyalidad na nais natin. Ang daan bang tinatahak natin ay tungo sa katiwasayan at pagmamahalan?

Sa katahimikan, buksan mo ang iyong mga mata at pagmasdan ang iyong mundong ginagalawan. Nakikita mo na ba na salitang kapayapaan ay hindi pang-isang tao lamang, ito ay pangkalahatan.

Tao at lipunan. Bansa at buong mundo. Ikaw, ako, tayo.

Leave a comment below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: