LATEST NEWS

The Antagonized: Ang Kamandag ni Rowena

Eric Gerard D. Ruiz | Tarantado, Asintado

Here in the Antagonized, I will criticize certain personalities based on criticisms from their opponents, from interest groups, and from media commentaries. In its second installment, “Ang Kamandag ni Rowena” I will deviate from the big personalities. I will talk about how this teacher who taught me that the devil can take many forms.

Mayroon akong guro na nagbahagi ng kanyang reaksyon nang makamit niya ang master’s degree. Itago natin siya sa pangalang Juana. Hindi niya lubos akalain na isa na siyang dalubhasa. Dahil master na siya, natural lang isipin na mayroon siyang mataas na kasanayan sa larangan. Kinatatakutan ni Juana na baka mayroong mga taong magtanong sa kanya at hindi niya ito masagot. Ngunit, naliwanagan siya sa kasabihang “there’s always room for learning.

Bumilib ako sa pagpapakumbaba ng aking guro. Oo, master siya pero hindi niya inangkin na magaling siya. Inamin niya na marami pa siyang bagay na dapat pang matutunan.

Pero, hindi talaga bilog ang mundo. Meron talagang mga taong sobra ang kayabangan sa sarili. Meron talagang mga taong mataas ang tingin sa kanilang sarili. Sila yung tipong mababa ang pagtingin sa mga taong ‘di nila ka-antas’. At ako, sa tatlong taon kong pamamalagi sa Silliman, nakakita ako ng guro na ganito ang ugali.

Itago natin siya sa pangalang Rowena. Kung tutuusin, magaling na man magturo si Rowena. Kilala siya ng karamihan ng mga mag-aaral at guro. Ngunit, hindi siya patok sa lahat. Mayroon siyang ugaling manira ng ibang tao. Pati estudyante ay hindi makakaligtas sakanyang kamandag.

She’s not that good,” sabi ni Rowena sa aking kaibigan. Siya ay nagtapos ng cum laude. Binarat naman ni Rowena ang pagbigay ng grado sa isa kong kaibigan naitatago natin sa pangalang Ellie. Matalino si Ellie. Class valedictorian sa hayskul at magna cum laude naman sa kolehiyo. Nung nag-usap kami ni Ellie, matataas naman raw ang kanyang mga marka. Pero, parang minata-mata lang ni Rowena ang pagbigay ng grado. Pareho kami ng sinapit ni Ellie. Minaliit rin ni Rowena ang galing ng isang tanyag na estudyante na nagtapos lang naman bilang summa cum laude.

Makamandag at matalas ang dila ni Rowena. Bilang isang guro, hindi dapat siya nagbibitiw ng mga hindi kanais-nais na komento. Dapat munang tignan ni Rowena ang kanyang sarili, suriin ang kanyang sariling abilidad, at palakasin ang kanyang mga kahinaan. Kung ikukumpara natin si Rowena at Juana, saan ka papanig? Sa mapagkumbaba o sa mayabang? Sa anghel o sa demonyo?

Ang propesyon ng pagtuturo ay dapat sa mga guro na tulad ni Juana. Bilang mga guro, dapat niyong imulat ang inyong mga sarili na kailan ma’y ‘di niyo makakamit ang rurok ng karunungan’. Mayroon tayong iba’t ibang kakakayahan. Hindi tayo mga perpektong nilalang. Ngunit, ginawa tayo ng Maykapal para paghusayan ang ating mga pagkakamali. Bilang mga guro, dapat kayong maging modelo sa silid-paaralan. Huwag tularan ang mga tulad ni Rowena, ang makamandag na ahas. Maging mapagkumbaba dahil ito ang susi sa kaligayahan.

Sa mga gurong tulad ni Rowena, tandaan niyo ito: Bago mo batiin ang dungis ng ibang tao, ang dungis mo muna ang tingnan mo.

Leave a comment below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: