Advertisements
LATEST NEWS

Malansang Isda

John Carlos Plata | Goliath is Dead

Isang mahalagang bagay na natutunan ko mula sa aking pakikipagpanayam sa mga kasali sa nalalapit na Talumpati ng Taon ay ang nakalulugod na katunayan na ang wikang Filipino ay hindi na nakararanas ng pag-unlad.

Bagamat ang wikang Filipino ang pangunahing wikang ginagamit ng karamihan sa Luzon, hindi maipagkakailang ito’y nababalewala na sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao. Sa ilan sa mga lugar na ito kung saan may kani-kaniyang mga dayalekto, kapansin-pansing mas kursunada ng mga tao ang pagsasalita ng wikang Ingles. Para sa ilan, nagiging pangatlong wika na lang ang Filipino. Mas tinatangkilik ang wikang Ingles sa kadahilanang ito raw ay “pangkalahatan.”Ang mas masaklap pa rito ay ilan sa mga Pilipino ay nadadala na ng imperyalismo at mas inuuna pa ang pagkatuto ng mga wikang banyaga tulad ng Hangul, Niponggo, at iba pa. “Saranghaeyo” raw, ngunit hindi naman nila minamahal ang sarili nilang wika.

Ang bokabularyo ng isang wika ay lumalarawan sa pagpapahalaga ng mga gumagamit nito, kung kaya’t sa Pilipinas, may mga natatanging pagkakakaiba ang mga salitang palay, bigas, at kanin, habang isang salita lamang ang katumbas nang lahat ng ito sa Ingles.

Dahil diyan, mapapaisip ka kung anong klaseng pagpapahalaga ng mga Pilipino ang nailalarawan ng mga umuusbong na salitang balbal tulad ng boom panes at pak ganern? O mayroon pa nga bang kahulugan ang mga salitang ito? Lumalawak nga ang ating bokabularyo, hindi nga sa masamang paraan, pero sa paraan namang walang kwenta.

Sa pagkadagdag ng mga salitang “kilig” at “teleserye” sa Oxford Dictionary noong Marso, masasabing mas nagiging prominente ang ating kultura sa ibang bansa. Pero bago na naman tayo magsigawan ng “Filipino pride!”,  sana’y maisaisip din natin na ang mundo’y hindi lang puro tungkol sa pag-ibig at telebisyon.

Ang buhay ng isang wika ay nakasalalay sa paggamit ng tao. Naluluma at unti-unting nalalaos ang mga wikang hindi na nagagamit. Hahayaan na lang ba nating dumating sa puntong wala na tayong wikang pambansa? Maaring pagmamalabis lamang ang pagkabahala sa ganitong sitwasyon pero kailangan nating magkaroon ng kamalayan at pakialam.

Hindi naman masama para sa mga Pilipino ang makipagsapalaran sa ibang mga kultura. Sa kasalukuyan, walang estudyanteng matututo kung ang matematika o agham ay itinuturo sa Filipino. Bigyan lang sana natin ng nararapat na kahalagahan at konsiderasyon ang ating sariling wika. Gamitin ito paminsan-minsan, maglaan ng oras para magbasa ng panitikang Pilipino, at manood at makinig ng mga programa sa telebisyon na gumagamit ng wikang Filipino.

Ang wikang pambansa ay wika parin ng isang Pilipinong edukado. Hindi ito “baduy,” o “jologs,” o “jeje.” Ito ang wikang pambansa. Ito ang nagpapakilala sa atin bilang mga mamamayan ng Pilipinas. Mahalin at pagyamanin natin ito.

Sa pamamagitan ng mas masusing pananaliksik, pag-aaral, at higit sa lahat, paggamitng wikang Filipino, mapapalago ang kultura at maiibsan ang masakit na katotohanan ng colonial mentality na laganap sa bansa.

Advertisements

Leave a comment below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: