LATEST NEWS

Mga Hinaing ng Isang Mamamahayag

Ang Silliman ay isang lugar kung saan hinuhubog ang mga mag-aaral sa pananampalataya at katalisikan. Tinuturuan tayo sa Silliman na maging tapat at kalugod-lugod na mamamayan. Tayong mga Sillimanian ay inihahanda para sa tunay na laban. Ang mundong ginagalawan natin ay punung-puno ng kaapihan, diskriminasyon, saraan, kurapsyon, at mga Hudas at panatiko sa lipunan. Dito sa Silliman, bawat mag-aaral ay natututo kung paano harapin ang mundo pagkatapos gumradweyt. Ngunit, mayroon lang akong isang tanong. Saan nga ba nagsisimula ang lahat ng ito? Saan pa ba kundi sa paaralan.

Sa paaralan nagsisimula ang lahat, ‘di ba? Pagmamahalan o hindi kaya’y pagkakaroon ng kaibigan pa iyan, lahat sa paaralan ang simula. Lahat ng magandang bagay nagsisimula sa paaralan. Pero huwag natin kalimutan ang dito rin nagsisimula ang kasamaan. Ang simpleng pagkupit ng piso ng ingat-yaman sa pondo o marahil ang pagsisimula ng propaganda tuwing eleksyon ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga hindi kaaya-ayang bagay na namumuo sa paaralan.

Tungkulin ng isang mamamahayag ang ilahad ang katotohanan sa publiko. Ito ay isang maganda ngunit nakamamatay na tungkulin. Maririnig sa radyo, mapapanuod sa telebisyon, at mababasa sa pahayagan na maraming mga mamamahayag ang pinapatay dahil kanilang mga sinusulat sa pahayagan. Masakit man isipin pero ito ay maliwanag pa sa sikat ng araw. Pero bakit ba sila nagagalit sa mga mamamahayag? Isa lang ang sagot diyan. Takot sila na malaman ng sambayanan ang katotohanan. Ika ba naman ng mga matatanda na “mabilis pa sa alas-kwatro ang balita.”

Iyan ang pangunahing dahilan kung bakit mayroong “pamparaalang pahayagan.” Karapatan ng mga mag-aaral na alamin ang mga bagay-bagay na nangyayari sa kampus, maging mabuti man o hindi. Ang tWS ay naninilbihan na nang mahigit 112 na taon sa Silliman. Kaya’t nararapat na ituloy ang pagpapahayag ng katotohanan sa mga mag-aaral ng walang bahid ng pagkampi. Ayon kay Andrea D. Lim, punong-patnugot ng tWS, “We commend the commendable, and we scrutinize the execrable.” Dito sa tWS, wala kaming pinoprotektahang indibidwal, grupo o pananaw. Kami ay naglalahad lamang ng katotohanan. Bawat magandang kilos ay aming isusulat para malaman ng mga mag-aaral. Ang mga maling galaw ay aming ikakalap nang walang bahid ng pagkampi. Ito ay aming ililimbag nang hindi pumapanig. Wala kaming pinoprotektahan at dinedepensahan. Bawat balita na inililimbag ay walang kinikilingan. Laging two sides of the story ang aming inihahayag.

Pero marami pa ring bulag na nagbabasa sa pahayagan. Sila ay bulag dahil hindi nila nakikita ang dalawang panig ng pahayag. Sila ay binubulag ng mga taong may kakayahang i-brainwash ang kanilang pananaw para sa pansiriling kalamangan. Bakit hindi na lang sila gumawa ng sarili nilang pahayagan kung saan pwede nila ilimbag lahat ng nagawa nila? Hindi kaya’y ilimbag lamang ang mga magandang gawa at itago ang mga kabahuan nila. Maging Manila Bulletin pa yan o Philippine Daily Inquirer, ang nakikita lang nila ay sinisiraan sila ng mga mamamahayag. May posibilidad rin na nagbubulag-bulagan lang sila. Dahil ba hindi nila matanggap na mali sila? O nasaktan sila dahil ipinamukha sa kanila ang katotohanan?

Eric Gerard D. Ruiz

Column Name: The Sound of the Mockingjay

Leave a comment below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: