LATEST NEWS

Isang Wika, Isang Kayamanan

Photo by Jameela Mendoza

Photo by Jameela Mendoza

Agosto na naman. Ito ang panahon kung saan naglipana sa mga pamilihan ang mga binibentang barong, saya at kamisa de chino. Ito rin ang panahon kung kailan punong-puno ng tao ang AH grounds, upang mamili ng mga binibentang masasarap na kakanin tulad ng puto, budbod at tsokolate, bibingka, at marami pang iba. At sa likod ng mga kaganapang ito ay ang pagdiriwang natin ng Buwan ng Wika.

Ang selebrasyon ng Buwan ng Wika ay naging isa ng tradition sa ating unibersidad. At sa taong ito, ang departamento ng Filipino ay nag-oorganisa na naman ng iba’t-ibang patimpalak tulad na lamang ng Talumpati ng Taon, Sayawit, Sabayang Pagbasa, Harana, at Dalawahang Pag-awit, na may temang, “Wikang Filipino: Ang Tunay na Kayamanan sa Kaban ng Bayan”.

Ang temang ito ay marahil, mai-uugnay natin sa kasalukuyang pangyayari sa ating bansa. Marami nang nagsisilabasang balita tungkol sa pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan, lalo na sa pagka-siwalat ng mga anomalyang nagaganap sa ating pamahalaan. Ang mga eskandalong bumababalot ngayon sa mundo ng pulitika ay parang wala nang katapusan. Tila ito’y isang teleserye na araw-araw na nating sinusubay-bayan at pinag-uusapan. Ngunit, pera nga lang ba ang unti-unting nananakaw sa kaban ng bayan?

Sa dekadang ito kung kailan nangunguna ang kahit anong uso, minsan ay nakakaligtaan na natin ang sariling atin – lalo na ang kaisa-isang bagay na nag-uungay sa atin sa ating mga ninuno, ang wikang Filipino. Sa halip na gamitin at pag-yamanin ay unti-unti itong nabubura sa ating mga sistema, sa kadahilanang nasasanay na tayo sa pag-gamit ng ibang wika, lalo na ang wikang Ingles. Unti-unti nang napapalitan ang wikang dapat sana ay mas una pa nating natututunan.

Kung mapapansin nga natin, mas magaling pa tayo sa pag-gamit ng salitang Ingles, kung ikukumpara sa pag-gamit ng Filipino. Higit na nakakabahala ang iba, na hindi man lang kayang gamitin ang sariling wika. Sa katunayan, may mga ibang lahi pa na mas sanay at mas magaling mag Filipino. Nakakahiya mang isipin, pero ito ay nangyayari sa kasalukuyan. At ito ay isang patunay ng unti-unting pagkawala ng isang kayamanan na sana ay ating pinapahalagahan.

Ang wikang Filipino ay isa lamang sa mga mahahalagang kayamanan ng ating bansa. Sinubok na ito ng panahon at ng pagkakataon. Napagdaanan na nito ang maraming pagbabago magmula noon, hanggang ngayon. Ngunit, huwag nating hayaang mawala ito kasabay ng mga pagbabagong nagaganap sa panahong ito. Ang katumbas ng pagpapahalaga sa sariling wika ay ang pagpapanatili ng kasarinlan nating mga Pilipino. Ito ay nagsisilbing paalala na tayo ay malaya. Huwag sana natin itong kalimutan. Huwag sana natin itong ikahiya. Sapagkat ang wikang Filipino ay isang wikang tunay na kayamanan ng ating bayan.

By Kimberly Limpahan & Nurlyn Elli

Leave a comment below

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: